Ito ang pinakamarangya at pinakamataas na uri ng canao. Ito ay may dalawang uri: and single o isahan (Pechit) at ang doble (Shawak). Ang isahan ay isinasagawa sa pagsisimula ng pag aalay ng talong lalaking baboy na malalaki, kasunod ang lima, anim, siyam o higit pang bilang ng mga baboy na ginagamit arw-araw. Dalawa o higit pang baboy ang kinakatay bawat araw ng pag-aalay pagkatapos ng dalawa o higit pang bilang ng taong pagitan.
Ang doble naman ay tinatawag na shawak na kinakailangan ang tatlong malalaking baboy (karaniwan ay itim na baboy na tinatawag nilang keshel) na lalaki. Sa pangatlong arwa, maaaring nagkatay ng baka o kalabaw bilang alternatibo sa baboy. Sa pangalawa o pangatlong arwa, ang buong pamilya ay susukluban ng kolibaw (kuno ang Ibaloi o Beguet) kasama ang pagdarasal ng mambonong na may iwinawagayway na manok sa direksyon ng kalangitan. Habang ginagawa ang seremonyas, pinapaikutan ng pitong pares ng lalaki at babae ang malaking baboy na nasa gitna ng buhdayan (ground) kung saan gaganapin ang tayaw, habang tumutugtog ng mga solibao (drums, bass and treble), kalsha (cymbals, two sets, bass and treble) at iba pang instrument. Ang pinakanuno (lola) ay magsusuot ng karing (bangles) bilang simbolo na siya ang may-ari o pinaghahandugan ng canao habang ang anak, manugang at mga apo ay magsisi inom ang tapuy pagkatapos ng seremonya. Ang pechit ay karaniwang apat at walong araw. Ang pinakamagarbong pechit ay umaabot sa katorseng araw. Kasama na ditto ang kabang-kabang bigas na isasaing, kaing-kaing na kamote or gabi (laman), baboy na kinakatay araw-araw, alak (ginebra bilog), softdrinks at kape. Sa hapunan at almusal, kung saan din a umuwi ang karamihan sa mga bisitang galing sa karatig baryo, magluluto ng pansit, gulay o sinilihang gabi. Ang kape ay lagging handa, bilang pinakatubig ng bawat taong darating.
Sa pangalawa o pangatlong araw ng pechit, ang miyenbro ng pamilya(with separaye families) ay magsisipaghandog ng alay sa kanilang magulang. Una ay ang panganay, pangalawa, at lahat ng anak na may katayuan, at kung minsan ay ang mga pinsang buo ng pamilya. Ang mga alay ay ilalatag sa pahabang linya sa tapat ng pintuan ng bahay. Bago kataying ang baboy at baka, bago isaing ang mga bigay at bago ilaga ang kamote, isa-isa muna itong ihahandog sa pinakamagulang nila. May mga kayabang (Benguet basket) na puno ng kamote, at laman ng gabi, salao (earthen jar) na may lamag tapuy (pronounced as tafey) at diga o (bilao) na may lamang antique coins at bugkos ng pera. Habang inilalatag ito sa buhdayan (ground facing the main door of the house), nagsasalimbayan ang malumanay na pagsigaw (chanting) ng mga dumalong mga nagsicanao bilang handog din nila sa pamilya.