Ang keshaw ay salitang Ibaloi na ang ibig sabihin ay “paghingi.” Ginaganap ang canao na ito sa pamilyang may mganadapuan ng sakit na ayon sa mga mambonong ay dalai to ng mga kehdaring (mga kaluluwa ng mga namatay na kamag-anak o yaong do nakikita.) Ibbig sbihin nakakalimutan na ng pamilya ang mga namatay na kamag-anak kaya para mapaalalahanan ang mga buhay na kamag-anak, dadapuan ang isang miyembro ng isang sakit. At eto nga ay gagaling sa pamamagitan ng pag alay ng keshaw. Hindi kailangang magarbo eto, maaaring katamtamang laki ng baboy at pwedeng samahan ng isa o dalawang aso.