Ang salitang Keh-dot o canao ay nagmula sa salitan Nabaloy (Ibaloi) na ang ibig sabihin sa Ingles ay “to burn to feast.” Ang canao ay isang tradisyon (pawala na sa kasalukuyang panahon) para sa mmga ibaloi at kankana-ey sa Benguet.
Ito ay isang pistang nangangailangan ng hayop na kakatayin at ito’y binubuo ng dalawampung katao o higit pa depende sa antas ng pamumuhay at uri ng canao na gaganapin. Ito’y tumatagal ng isang arawo isang lingo (pinakamahaba na ‘yong katorseng araw) depende uli sa antas at kakayahan ng pamilya at maghahandog nito. Ang Keshel (baboy) ang pinaniniwalaang karapat dapat na alaydahil ito ay isang sagradong hayop kaysa sa ibang hayop. Ginaganap ito sa mga okasyong tulad ng anihan, binyagan, patanim, pagpapagaling sa may sakit, paghingi ng ullan, at pagpapatigil sa bagyo.